In Christ Alone.

Dahil di kaya ng net ang twitter… dito na lang ako…

Ang nararamdaman ko ngayon ay matinding asar.. yung tipong ang sarap sumigaw na maririnig ako ng buong Pilipinas o kahit ng buong UP lang, ang sarap magtapon ng kung ano, basta yung marelease tong galit na ‘to. Kaya eto, magsusulat na lang ako.. sana mabasa to ng marami lalo na yung mga kinaaasaran ko. Sino ba sila? Dami nila eh. Libo.

Katatapos lang ng USC elections sa UP Diliman. Hindi nanalo ang gusto kong manalong leader at nanalo yung ayaw ko. Haha. Pambihira (uy! natawa ako) Pero yun, di yun ang dahilan kung bakit asar ako. Asar ako kasi 48.9% lang ang bumoto! Pambihira! Hindi man lang umabot ng 50%! Konti na lang! (naku, ayan na ang ‘!’)
Asar ako kasi ang laki ng tsansang iba ang naging resulta. At hindi ako makontento na hindi naman talaga pumili ang buong student body.
Anong pinaggagawa nila at hindi sila nakaboto? Hanggang 7:30pm na nga eh! Hindi naman aabutin ng isang oras yun. Shocks. Hindi nga ako nalate sa 2:30pm class ko kahit 2pm na ako umalis ng dorm para bumoto. (may palagay akong magiging mahaba to..buhusan na ‘to)
Bakit hindi sila bumoto? May iba, nasa dorm lang. Bakit daw? Malayo. Ha? Kaya nga may ikot e. What a LAME excuse! Naiinis ako sa A-P-A-T-H-Y (with clenched teeth). Ano yun? Bakit ganun isko? Iska? Ano ka ba? Kung ganyan ang ugali mo, wag ka nang mag-UP. Hindi ito ang unibersidad para sa mga walang pakialam at tamad.
Hindi itinatag at nagpapatuloy ang unibersidad na ito para lang sa makasarili mong mga ambisyon (Ewan nga eh kung may pangarap ka ba o gusto mo lang mag-survive, o sumasabay ka lang sa daloy ng panahon, kasi kailangan mo nang magcollege, magtrabaho, magkapera..lalalala… so ano kayang pinagkaiba nun sa hayop? (maliban sa sophistication ng tekno at fashion mo) Bakit? May passion ka ba? Buhay ka ba talaga? O humihingang makina lang?)).
Baka sinasabi mo ang O.A ko. Kailangan ba talaga ganun? (hindi ko namalayang iba na pala ang kinakausap ko dito..sila na.. :D)
Eh sa nasa Unibersidad NG PILIPINAS ka eh. Ang tawag sayo iskolar NG BAYAN. Gaano man kalaki o kaliit ang binabayaran mo, wala pa din yan sa share ng taong bayan para matamasa mo ang mataas na kalidad na edukasyon. Kung di mo pa alam, hindi ka lang basta mag-aaral, hindi ka lang basta kabataan. Isko, iska, may MABIGAT na responsibilidad na nakaatas (tama ba yung word?) sa mga balikat mo.
(loud sigh)
Naisip ko tuloy…siguro dapat ang ituro sa dalawang taon ng k12 ay kulturang Filipino, nasyonalismo, values… grabe.. sobrang kailangan natin to.
Sana hindi tahimik ang mga magulang para sabihan ang mga anak kung anong tama, na hindi pera ang pinakaimportanteng bagay sa mundo..
Siguro dapat may bahagi sa test ng UPCAT na susukatin ang pag-ibig sa bayan ng mga nais pumasok sa PINAKAprimyadong unibersidad sa bansa..
buti na lang may PI 100, sana matutunan talaga ng mga kukuha at kumukuha nito ang tinuturo nito..

Still, I believe it is not an accident why we’re here in this university. Out of all the millions (?)
At alam ko, naniniwala si Lord sa’tin. Kakabaliw lang ata kung panong mahal na mahal Nya parin ang ganito katigas at makasariling henerasyon. At hindi ko hinihiwalay ang sarili ko.
Ang dami ko pang dapat ilago hanggang sa maging less and less selfish…
buti na lang, may grace. Buti na lang. May pag-asa pa. Magbabago pa ‘to. :) (totoong ngiti to!)
Alam ko! Magbabago pa ‘to!
Nanjan naman ang gamot sa pagiging makasarili - Pag-ibig - kitang kita sa cross.
Tara! Sabay sabay tayong magbago! :D
—-

  1. mariarizzafernandine reblogged this from enkonkeror
  2. enkonkeror posted this