In Christ Alone.
Naisip ko lang… ang daming nagpoprotesta tungkol sa bulok na sistema at sa korupsyon na nagaganap sa gobyerno. Eh yung mga ang hilig sumigaw sa kalye at kinukundena ang mga taong nasa posisyon ng kapangyarihan, kumusta naman ang buhay nila? Paano naman ang kabulukan at korupsyon sa buhay at puso nila? Pag sila ba ang nakaupo sa posisyon ng kapangyarihan, mas magagawan nila ng paraan? Kaya ba nilang talikdan ang tukso kung saka-sakaling sila ay nandoon na (tingin ko doon sila papunta.. sila ang sunod na henerasyon). E kung sa mga tukso ngayon pa lang patungkol sa mga maliliit na bagay (e.g. pag-aalaga sa katawan -> pag-iwas sa bisyo) ay hindi pa matalo-talo, paano na pag mas malalaking bagay na ang dapat pagpasyahan (kung pipiliin ba ang mas makakabuti sa nakakarami at mas tatagal kaysa sa pansarili o pansamantalang kasiyahan lamang)?
Naiisip ko.. ang sistema nga ba ang problema o ang puso? Baka masyadong mapagmataas at ayaw magbago ang puso, ang sarili kaya sinisisi ang mga nangyayari sa labas ng kanyang sarili. Mapa demokrasya, komunista, diktatorya, emperyo, kaharian, kung parepareho lang ding, mga tagapamahala at mamamayan, may sira hindi sa utak kundi sa puso, ang inaasam na magandang lipunan ay imposible. Wala akong problema sa pagkakaroon ng isang taong mas nakakataas ang awtoridad kaysa sa akin basta’t ang taong yun ay alam ang responsibilidad na kasama ng kapangyarihang mayroon sya. Kung sa bagay, kung ang puso naman nya ay ang kabutihan ng kanyang mga nasasakupan, bakit nga ba ako mangangamba? Bakit nga ba ako magrereklamo? Bakit nga ba ako magrerebelde?
Wala akong problema sabihin mang may mas kapangyarihan sila kaysa sa akin dahil ibig sabihin nun, ligtas ako at nasa ilalim ng proteksyon ng kanilang kapangyarihan.
At ayun nga ang tanong.. sila bang nabigyan, binigyan ng kapangyarihan ay naiintindihan ang dahilan kung bakit sila naroon, nakikita ba nila ang responsibilidad na nakaatas sa kanila, ang puso ba nila ay tunay na naglilingkod, naghahangad ng kabutihan at hustisya, nagmamahal?
Ang haba na rin ng pinagdaanan ng lahi ko. Hindi ko maikakaila ang kagitingan ng mga pusong nag-aalab para sa bayan pero sigurado akong hindi pa namin nakakamit ang tunay na kalayaan - ang tunay na pangarap nung mga bayaning piniling magbuwis ng pawis, pagsisikap, panahon, sigasig, dugo. Pero nararamdaman ko, malakas sa puso ko na ang lapit na namin sa minimithing tunay na kalayaan - kung saan ang mga kayumangging (o kahit mga mestiso at maiitim) nakatira sa Perlas ng Silangan ay kilala kung sino sila, at hindi mga alipin, hindi mga ulila, hindi na sugatan, malaya, magaling na, ligtas, umaapaw sa buhay, totoong buhay!
Nangyayari na…sa bawat sulok ng arkipelago ang pagbabago ng mga puso, pagbabago ng mga pamilya. Ano pa nga bang susunod? Edi buong bansa na! Tunay! Totoong pambansang transpormasyon.
Hindi ko pa rin alam bakit pero tumingin ang mga mata ng Maykapal na may awa at pag-ibig para dito sa mga nakatira sa kapuluan. Sya ang dahilan kung bakit isisigaw dito ang mga masasayang awit ng mga papuri.
Salamat, Lord! Buti na lang! :)
last song played: Love Enough by Hillsong United
Your love, it broke my fall
It’s more than enough and I need it
plugging: FEB 15, 2012, brightest day in UP Dilim-an. :) 6pm-3am